answer:
benigno aquino, jr.
mula sa wikipediang tagalog, ang malayang ensiklopedya
jump to navigationjump to search
benigno aquino jr.
ninoy2.jpg
senador ng pilipinas
nasa puwesto
30 disyembre 1967 – 23 setyembre 1972[1]
presidential adviser on defense affairs
nasa puwesto
1949–1954
gobernador ng tarlac
nasa puwesto
30 disyembre 1961 – 30 disyembre 1967
pangalawang gobernador ng tarlac
nasa puwesto
30 disyembre 1959 – 30 disyembre 1961
alkalde ng concepcion, tarlac
nasa puwesto
30 disyembre 1955 – 30 disyembre 1959
pansariling detalye
ipinanganak 27 nobyembre 1932
concepcion, tarlac, pilipinas
namatay 21 agosto 1983 (edad 50)
paliparang pandaigdig ng maynila, lungsod ng parañaque, kalakhang maynila, pilipinas
kabansaan pilipino
partidong pampolitika
nacionalista party (1954–1961)
liberal (1961–1983)
lakas ng bayan (1978)
(mga) asawa corazon aquino
tahanan times street, lungsod quezon
alma mater unibersidad ng pilipinas (hindi nagtapos)
pamantasang ateneo de manila (hindi nagtapos)
mataas na paaralan ng san beda (nagtapos, 1948)
trabaho mamamahayag, politiko
propesyon mamamahayag, sibil tagapaglingkod
para sa ibang gamit, tingnan ang benigno aquino (paglilinaw).
si benigno simeon "ninoy" aquino, jr.[2][3][4][5], mas kilala bilang ninoy aquino o benigno s. aquino, jr., ay isang pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni pangulong ferdinand marcos. pinatay siya sa paliparang pandaigdig ng maynila (na matapos ay ipinangalang paliparang pandaigdig ng ninoy aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa estados unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot sa amerika. ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-pangulo ng kanyang maybahay, si corazon aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng marcos. ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. may mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si aquino sa kanyang huling hantungan. ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si noynoy aquino. at siya ay isa rin sa mga bayani ng pilipinas. ang kanyang bantayog ay makikita sa lungsod ng makati.
nang ideklara ang batas militar (martial law), si ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa estados unidos. dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang pilipino, bumalik si ninoy sa pilipinas. subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng mia, siya ay binaril. ang kanyang pagkamatay noong 21 agosto 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.
nag-alsa ang milyung-milyong pilipino at ito ay tinaguriang "people power." napatalsik ang dating pangulong ferdinand marcos at iniluklok ang maybahay ni ninoy na si corazon aquino bilang pangulo ng bansa.
mga nilalaman
1 talambuhay
1.1 maagang buhay
1.2 politika
1.3 pagpaslang kay ninoy sa paliparan
1.4 imbestigasyon sa pagpatay kay ninoy
2 mga talasanggunian
talambuhay
maagang buhay
si ninoy ay ipinanganak noong 27 nobyembre 1932. siya ay anak ng dating assemblyman benigno aquino, sr. at aurora aquino-aquino ng tarlac. si ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa korea. naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa concepcion, tarlac. siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina ramon magsaysay at carlos p. garcia. noong panahon ng panunungkulan ni diosdado macapagal si ninoy ay umanib sa partido liberal. siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.
explanation: