
Answers

SONA 2018 ay isang ang pag- uulat ng ating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagdaan at ang mga kasalukuyan niyang plano sa ating bansa..
Ang patuloy na pagsasagawa ng kanyang kampanya kontra droga.
Ang paglilinis sa korupsyon nagaganap sa ating bansa, mga pondo ng gobyernong nawawala.
Ang gagawin niyang pagpirma sa Bangsamoro Organic Law sa loob ng 48 na oras.
Ang pakikipaglapit sa mga miyembro ng ASEAN upang lalong mapa-unlad ang ating bansa
Sa pagtalakay sa pagpasa at pagtigil ng ENDO ang End of Contractualization maraming mamayan ng bansa ang umaasa na ito ay maipasa .Ngunit sa panig ng mga mangangalakal ang pagpasa nito ay isang balakid.
Ang monopolyo sa serbisyo ng Telecom Company ay isa din sa tinalakay ng ating pangulo. Ang kagustuhan niyang mabago ang bulok na serbisyong natatanggap ng ating bansa. Ang pagnanais niyang makahanap ng magandang serbisyo na may maayos, mabilis sa mas mababang halaga.
Ang pagpapasara at rehabilitasyon ng Isla ng Boracay at ang patuloy na paglilinis nito. Isang rehabilitasyong isinagawa dahil na din sa naging kapabayaan ng mga namumuno dito, ang Islang ay naging marumi at patuloy na pumapangit kung kaya ito ay ginawan ng ating pangulo na mapabalik ang dati nitong ganda at kalinisan.
Tinalakaya din ang mga ng mga kumpanya ng minahan na sumisira sa ating bansa.Ang mga minahan na sumisira sa kagandahan ng natural na kalikasan ng bansa.
Ang kagustuhan niyang maipasa ang TRAIN Law Package bago matapos ang kanyang termino.
At ang isa sa tinalakay ng ating pangulo ay ang pagkakaroon ng Universal Health Care. Na may malaking tulong sa lahat ng ating mamayan.
Ang lahat ng ito ay isang paraan ng ating pangulo upang ang ating bansa ay umunlad at magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay. Sa pagtatapos ng kanyang termino inaasahang ang lahat ng ito ay magkaroon ng katuparan para sa kasiyahan ng ating mamayan..
I-Click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

Ito ang sona ni pangulong "Duterte"sorry na lang kung hindi mo maiintindihan at kung mali yung answer ko sayo ha #1.Itinalakay ang tungkol sa "West Philippines Sea"na hindi dahil magkasundo na ang china at pilipinas ay hinahayaan na natin sa kanila ito,#2.Itinalakay din ang "Bang Somora Law"na nais ng pagtibayin na relasyong muslim at kristiyanismo bigyan ng 48 hours para mareview ulit ang panukala.sorry kung mali spell ng number 2 ayon lang ang aking masasabi at marami pang iba.

Para makagawa ng sarili mong reaction paper tungkol sa SONA 2018 ni Pangulong Duterte, una sa lahat, magkaroon ng draft para makagawa ng freewrite o mas kilala nating sa katawagang “scratch” at “rough draft”.
Mas maganda at mabuti kung mag-uumpisa ka sa freewriting na iikot lang tungkol sa mga sarili mong reactions at sarili mong evaluations para mas orihinal ang mga ideya.
Sandali, bago ka syempre makasulat ng reaksyon mo sa freewriting mo, dapat NAPANOOD MO NA ANG SONA at / o NABASA mo na ang kabuuan ng State Of The Nation Address 2018 dahil kung hindi, ANO’NG ISUSULAT MO sa reaction paper about SONA of Duterte 2018?
Balik tayo sa freewriting. Sa isang reaction paper, dapat kritikal at malinaw kung ano-ano ang mga pananaw mo pero magagawa at mabubuo mo lamang ang lahat ng ito habang at pagkatapos mong mag-freewrite.
Ilagay mo na lahat ng gusto opinyon mo sa freewriting gaya ng:
-Matagal bago magsimula ang SONA 2018 at hindi ito conventional dahil dapat eksaktong 4pm ay nagsasalita na ang pangulo. Hindi ito propesyonal kung tutuusin.
-Bakit hindi na lang hinintay ng kongreso na matapos muna ang SONA bago magluklok ng bagong Speaker of the House? Kinuha tuloy ni dating korap na Pangulong Gloria Arroyo ang spotlight ng pangulo.
-Okay na sana ang SONA dahil walang mga pagmumura gaya ng mga naunang SONA ni Pangulong Duterte eh kaso nasa wikang Ingles naman ang talumpati. Sabihin na nating hindi sukatan ng yaman ang pagkamarunong sa Ingles pero kung pag-iisipang mabuti, iilang porsyento lang ng populasyon ng masang Pilipino ang magaling sa Ingles.
-Batid na ng lahat na hindi babanggitin ng pangulo ang mga achievements ng kasalukuyang administrasyon pero hindi ba iyon naman talaga ang sense at punto ng SONA, ang ma-bored ang taumbayan tungkol sa mga nagawa na ng administrasyon para ipaalala sa mga ito na may progreso ang bansa. O baka nga hindi nga tayo talaga progresibo kaya walang mga nabanggit na achievements sa SONA
-Binanggit niya ang tungkol sa pagsugpo sa korapsyon pero’t heto at House Speaker na ang kilalang korap na dating pangulo
-Nabanggit niya ang Marawi pero hindi niya nabanggit na maraming bakwit na Lumad sa Mindanao dahil inaalipusta sila ng mga military para paglingkuran ang mga korporasyong nagmimina at walang habas na kumikitil ng mga buhay ng tao at buhay ng ating kalikasan
-Binanggit niya, as usual, ang war on drugs pero hanggang ngayon ay wala pa ring nananagot sa tone-toneladang shabu sa BOC at hindi pa rin nakukulong ang mga bigating drug lords sa bansa
-Binanggit niya ang endo pero hindi niya binganggit ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pagpapabaya ng gobyerno sa mga manggagawa gaya ng mga manggagawa sa NutriAsia, PLDT, atbp.
-Last but not the least, nagpabibo siya sa pagko-quote niya ng “Your concern is human right, my concern is human lives” pero hindi niya pinag-isipang mabuti na hindi dapat nahihiwalay ang karapatang mabuhay sa pagiging buhay. Ang mabuhay ay isang karapatang pantao kaya sana ay hindi na lang niya ito sinabi lalo’t ang kultura ng pagkitil sa buhay ay laganap sa kanyang pamumuno.
-Ang pinakamagandang pangyayari noong SONA ay ang magsama-sama ang mga Pilipino dahil nagkaka-isa sila na mahalaga ang buhay ng bawat isa (babae, kabataan, manggagawa, mga katutubo at lahat ng Pilipino) at hindi sagot ang pagbabago ng istruktura ng pamahalaan para matugunan at masolusyonan ang mga isyu’t suliranin ng ating bansa. Ang mahigit 40,00 katao na payapang nag-protesta habang nagso-SONA ang pangulo ang totoong State of the Nation Address ng Pilipinas. Tayo ang masa at ang masa ang boses. Tayo ang nakararanas ng kasalukuyang estado ng ating lipunan at lahi. Samantala, ang Batasan pa ang siyang nagkagulo dahil sa pagpapalit ng pinuno ng Kongreso.
Pagkatapos mong isulat ang mga hinaing mo, i-organisa ang iyong sulatin.
Mangalap ka pa ng mga impormasyon at para mas maganda, ng mga quotations.
At pagkatapos ay dapat maisagawa mo na o maisalin mo na sa isang pormal na reaction paper na may mga talatang:
1.Introduction o Panimula
2.Body o Katawan
3.Conclusions o Wakas
Pwede ka ring sumulat sa huli ng listahan ng mga citations at sources mo sa paggawa ng reaction paper.\
Good luck!
Mga link na may kaugnayan:
What is the significance of SONA? -
How to make a reaction paper? -
Ano ang reaction paper -
Reaction paper para sa sona 2018 -
Another question on English























