
Answers







PONEMIKA Â
Ponemika ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba't ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita. Ponema naman ang tawag sa makahulugang tunog ng isang salita. (Tatalakayin natin nang puspusan ang tungkol sa ponema sa dakong huli ng kabanatang ito.) Â
A. Makahulugan at Di-Makahulugang mga Tunog. Ang alinmang wika ay binubuo ng iba’t ibang tunog. Karamihan sa mga tunog na ito ay makahulugan o makabuluhan bagama’t ang ilan ay hindi. Ang pagkakaiba-iba ng mga makahulugang tunog ang siya nating malimit napapansin sa ilang wika; ang di-makahulugang mga tunog ay hindi. Napapansin natin ang pagkakaiba-iba ng tunog ng mga ponema sapagkat ang mga ito‘y nakapagdudulot ng pagbabago sa kahulugan ng salita. Â
Gamitin nating halimbawa ang mga ponemnng /p/* at /b/ ng Pilipino. Ang dalawang tunog na ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat kapwa panlabi. Magkatulad din ang mga ito sa paraan ng artikulasyon sapagkat kapwa istap o pasara. Ngunit ang /p/ ay binibigkas nang walang tinig samantalang ang /b/ ay mayroon. Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa sandaling ang isa ay ipalit sa isa. Halimbawa: ang salitang pala ‘shovel’ ay magbabago ng kahulugan sa sandaling ang /p/ ay palitan ng /b/ = bala ‘bullet. Â
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay inilagay natin sa magkatulad na kaligiran upang mapatunayan kung ang mga ito nga ay totoong makahulugan - pala: bala Sa ganitong kalagayan ay natitiyak natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa ibang bagay. Â
Sa halimbawang pala : alab ay kaagad mapapansin na ang /p/ at /b/ ay wala sa magkatulad as kaligiran sapagkat ang /p/ ay nasa unahan o pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa hulihan o pusisyong pinal. Samakatwid, ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at alab ay hindi dahil sa /p/ at /b/. Â
B. Mga Pares Minimal. Napag-usapan na natin na ang pinakamaliit na yunit ng tunog na makahulugan sa isang salita ay tinatawag na ponema. Sinasabing makahulugan ang ponema sapagkat kapag ito'y inalis o pinalitan sa kinasasamahang salita, ang kahulugan ng nasabing salita ay nag-iiba. Ang salitang bansa ‘country’. halimbawa, ay mag-iiba ng kahuIugan kapag ang ponemang /s/ ay inalis o pinalitan; banâ small lake, banta ‘threat.’ Â
Exaplain:
sorry is this many?



Another question on Filipino























