
Ano ang modal? ano ang mga halimbawa nito? at paano ito
gamitin

Answers

answer:
Explanation:
Ang mga modal ay ang mga salitang gumaganap bilang malapandiwa sa isang pangungusap. Ang mga modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang may pawatas na anyo, o di kaya'y upang gumanap bilang malapandiwa. Upang mas malinawan ka ukol sa kahulugan ng modal, narito ang ilang halimbawa ng mga modal: hangad, ibig, kailangan, at iba pa.
Kahulugan ng Modal
Ang mga modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang may pawatas na anyo, o di kaya'y upang gumanap bilang malapandiwa.
Kailangang tandaan na ang mga modal ay iba sa mga pandiwa.
Gamit ng Modal
Ang mga modal ay may dalawang pangunahing gamit o silbi. Narito ang mga ito:
Ang mga modal ay ginagamit bilang malapandiwa. Halimbawa: Hangad ko ang iyong kaligayahan sa buhay.
Ang mga modal ay ginagamit bilang pantulong o panuring sa pandiwang pawatas. Halimbawa: Gusto niyang makakain ng masarap na tsokolate.
Read more on -
Another question on Filipino




gamitin...



















