subject
Filipino, 05.04.2021 04:55 tayis

MGA EKONOMIKONG PROGRAMA NI GOB.-HEN. JOSE BASCO Y VARGAS ~>Dumating si Gobernador-Heneral Jose Basco sa Pilipinas noong Hulyo 1778
~>Isa siya sa mga magaling na gob.-hen. na namuno sa bansa pagkat nagpalabas siya ng nga ekonomikong proyekto na nag-paunlad sa bansa.
~>Ito ang tatlong pangunahing ekonomikong proyekto ni Basco:
1:Real Sociedad Economica de los Amigos del Pais
2:Monopolyo ng Tabako
3:Real Compania de Filipinas
REAL SOCIEDAD ECONOMICA DE LOS AMIGOS DEL PAIS
~>Ang Royal na Ekonomikong Kapisanan ng mga Kaibigan ng Bayan ay itinatag noong Mayo 6,1781.
~>Pangunahing layunin nito ay ang pagtaas sa produksiyon ng industriya at agrikultura, at pasiglain ang kalakalan sa bansa.
~>Ang mga sumusunod ay ang mga proyekto na ipinatupad ng Kapisanan:
•Pagbigay ng gantimpala sa mga taong may bagong imbensyon sa irigasyon at pagsasaka;kabilang na ang mga magaling na gumawa ng lana, lubid, abaka, atbp;
•Pag-aangkat ng mga pangagrikulturang mga gamit mula sa Estados Unidos;
•Pagpatayo ng kauna-unahang eskwelang pang-agrikultura sa bansa;at
•Pagtatanim ng mga bagong pananim tulad ng bulak, mga pampalasa, at indigo.
~>Huminto ng panandalian ang Kapisanan noong 1787 (nang bumitaw si Basco sa posisyon) hanggang sa tuluyang tumigil ang operasyon nito noong gitna ng dekada 1890.
MONOPOLYO NG TABAKO
~>Itinatag ang Monopolyo ng Tabako noong Marso 1,1782 sa bansa.
~>Layunin nitong paramihin ang pondo ng bansa sa pamamagitan ng sapilitang pagbili sa mga halamang tabako sa Hilagang Luzon.
~>Naging hindi mabuti ang epekto ng monopolyo sa mga katutubong Pilipino pagkat palagi silang nalulugi at dinadaya ng mga ahenteng espanyol. Nakaramdam sila ng pagaabuso sakanila. Ngunit, nalugi ang programang ito dahil imbes sa bayan mapunta ang salapi mula sa programa ay pumupunta sa bulsa ng mga opisyal.
~>Kontrolado ng pamahalaan ang pagtatanim, pag-aalaga, at pag-aani sa tabako. Pinaparusahan nila ang mga magsasakang lalabag sa mga utos nila.
~>Noong 1883 itinatag ang La Insular Cigar and Cigarette Factory sa ilalim ni Don Joaquin Santamarina na naging pangunahing taga-pagluwas ng sigarilyo sa US at England.
~>Tuluyang ipinahinto ni Gob.-Hen. Fernando Primo de Rivera ang monopolyo noong 1890's.
REAL COMPANIA DE FILIPINAS
~>Ang Kompanya Royal ng Pilipinas ay itinatag noong Marso 10,1785 ayon sa utos ni Haring Carlos lll.
~>Mithiin nito ay ang paunlarin ang agrikultura at industriya ng Pilipinas.
~>Naging matagumpay itong programa pagkat marami itong kinaharap na problema tulad ng pag-siklab ng mga Rebolusyong Amerikano at Pranses.
~>Nang dahil sa pagtingin ng mga mangangalakal na ang Kompanya ay tuwirang kalaban ng Kalakalang Galyon, iniutos ni Haring Carlos ang pagpatigil sa kompanya noong 1834.
LIKE:Kasaysayan of the Filipino People
-G. Saysay

ansver
Answers: 2

Another question on Filipino

question
Filipino, 28.10.2019 19:29
Anu ang kahulugan nang hali halili lamang ang kawawa
Answers: 3
question
Filipino, 28.10.2019 21:29
Aling bahagi ng kwento na nagpatunay na si pingkaw ay isang dakilang ina? bakit?
Answers: 1
question
Filipino, 28.10.2019 23:29
Mga samahang panitikan sa panahon ng komonwelt
Answers: 3
question
Filipino, 28.10.2019 23:29
Ang kinatatakotan nating kalaminad ay maiiwasan kung ingatan natin ang ating kapaligiran
Answers: 2
You know the right answer?
MGA EKONOMIKONG PROGRAMA NI GOB.-HEN. JOSE BASCO Y VARGAS ~>Dumating si Gobernador-Heneral Jose...
Questions
question
Science, 07.06.2021 08:25
question
Filipino, 07.06.2021 08:25
question
Technology and Home Economics, 07.06.2021 08:25
question
English, 07.06.2021 08:25