a. pag-uugnay o paghahambing
1. simili o pagtutulad (simile) – nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.
halimbawa: tila porselana ang kutis ng magkapatid na velasquez.
2. metapora o pagwawangis (metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.
halimbawa: siya ang nagsisisilbing bangaw sa ating lipunan.
3. alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
halimbawa: pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.
4. metonimya o pagpapalit-tawag (metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.
halimbawa: siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
5. sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.
halimbawa: 1 si andres bonifacio ay nagbuwis ng buhay para sa bayan.
b. paglalarawan
1. pagmamalabis o eksaherasyon (hyperbole) – ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon
halimbawa: pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. apostrope o pagtawag (apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
halimbawa: o tukso! layuan mo ako!
3. eksklamasyon o pagdaramdam (exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin
halimbawa: aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
4. paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.
halimbawa: malayo ma’y malapit pa rin.
5. oksimoron o pagtatambis (oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
halimbawa: magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo.
d. pagsasatunog
1. panghihimig o onomatopeya (onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
halimbawa: ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. aliterasyon o pag-uulit (alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.
halimbawa: magagandang maya sa puno ng mangga makikita silang masayang-masaya.
3. repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.
halimbawa: ito nga! ito nga! itong nga.